Friday, August 29, 2008

Ako ay ako 'di na magbabago

jean ang tawag sa akin nang aking ina,
hanna naman sa aking lola;
o.a ako sabi ng iba,
aktibo naman pagdating sa eskwela.

ako'y isang taong mapag-mahal sa kapwa,
mahal kong mga taong sa aki'y nag-mamahal;
sa mga galit sa akin sila'y mahal ko na rin,
ang sabi nga nila kaaway ay mahalin.

rosas na bulaklak ang aking paborito,
mga pagkaing matatamis ang aking gusto;
asul at pula ang aking gustong kulay,
mapagmahal na mga kaibigan ang aking hanap.

ako'y may espesyal na tao sa aking buhay,
siya ay mabait at matalinong tunay;
siya ay gustong -gusto ko,
sana'y ako'y gusto niya rin.