Saturday, October 18, 2008

Tula : Ang Aking Pagkatao

Calvin Rodel ang pinangalanan
ng magulang ko,
Calvin nanggalaing sa Ina at;
Rodel sa aking Tiya

Ako'y isinilang malusog at masigla
Isang mahinahon at mabait na bata
Palaging ginagalang ang nakakatanda
Kaya magulang ay masayang-masaya

Tao dapat magtutulongan,
Bata, matanda, lahat ay magmamahalan
Kaya nga'y lugar namin hindi magulo
Dahil lahat ng Tao, kapatid ang trato

Marami akong mga kaibigan
Puro mababait at magalang
Kaya lagi akong masaya
Basta't sila ang kasama

Ako ay mahilig mag-drawing at magbasa,
Lalong-lalo na kung tungkol sa animalandia
Kaya hayop dito sa mundo mahalin
Dahil sila'y importante sa atin.

Friday, September 26, 2008

Palakaibigan Ako

Ni: Flore May C. Cales

Ako si flore May

Palayaw ko ay May

Maganda’t mabait

Minsan ay makulit






Isang kaibigan

Maingay’t makulit

Jecel ang pangalan

Bibo at mabait






Mapagmahal ako

Sa mga magulang ko

Sa kaibigan ko

Suportado ako






Ang aking talento

Sumayaw’t kumanta

At magaling ako

Pag sa sayawan na






Isang pangarap

Ang ‘di matumbasan

Pamilyang kaagap

Aking naranasan






Buhay ko’y makulay

Dahil sa taong ‘to

Dios ang kaagapay

At mahal ko ito

Thursday, September 25, 2008

Friday, August 29, 2008

Ako ay ako 'di na magbabago

jean ang tawag sa akin nang aking ina,
hanna naman sa aking lola;
o.a ako sabi ng iba,
aktibo naman pagdating sa eskwela.

ako'y isang taong mapag-mahal sa kapwa,
mahal kong mga taong sa aki'y nag-mamahal;
sa mga galit sa akin sila'y mahal ko na rin,
ang sabi nga nila kaaway ay mahalin.

rosas na bulaklak ang aking paborito,
mga pagkaing matatamis ang aking gusto;
asul at pula ang aking gustong kulay,
mapagmahal na mga kaibigan ang aking hanap.

ako'y may espesyal na tao sa aking buhay,
siya ay mabait at matalinong tunay;
siya ay gustong -gusto ko,
sana'y ako'y gusto niya rin.

Tuesday, July 29, 2008



Ako si Prince Anthony Sustea
Batang lumaki ng walang ama
At dahil siya'y hindi nakilala
Ainahangad kong siya ay makita

Akoy nag mula sa ICNHS
Ngunit lumipat sa ICEHS
May kaklase akong nakakainis,
siya'y tamang tamang ihagis

May mga guro akong magaganda
May mabait at gwapo pa
Minsan sila'y nakakairita,
Minsan sila'y nakakatawa

Marami akong kaibigan
Mga kaibigang maasahan
Parati silang malalapitan
Sa oras ng pangangailangan
teecee♥
keep in touch
!@#$%^&*
♦•◘○♥pRiNcE♥○◘•♦

Sunday, July 27, 2008

Ang Pangalan kong bulaklak
By:Adelfa Demecillo
O delfa,bulaklak na lubhang marikit
Sa munting hardin namin ay siyang pang-akit,
Ang kulay at samyo ay ano't kaytamis
Magandang diwata ang kanyang kawangis
Akin ngang bulaklak kung aking turingan
Ako ang nag punla nang buto pa lamang,
Siyang nag-aruga nang munting halaman
Hanggang magkabuko sa kasariwaan
Ngayon munting buko'y isa nang bulaklak
Na mga talutot may hamog na perlas,
Ang mga bubuyog ay siya ang hanap,
Pinagmimithian ang mga kulisap.
Ang aking bulaklak sa kasariwaan
Ay masasabi kong marilag na tunay,
H'wag sanang sumapit ang kapanahuanang
Ito ay malanta,malagas ang tangkay.
Ako'y isang bulaklak na may pangarap
Ang tulad kung bulaklak ay may kislap.
Ako'y simpleng bulaklak na mapagmahal
na anak at bulaklak na mag-aaral
Maraming pagkain na gustong matikaman
Ang tiyan kung ito ay maraming laman
Sa buhay kung ito ay napakahirap
Pero nakadanas din ng sarap
Nang mawalay sa kanyang mga magulang
maraming hirap ang aking kinailangan
Nang ako'y pinag-simulang mag-aral
masikap,masipag,marunonh,marangal.
Adelfa M. Demecillo
III-Masunurin
14 years of age
april 10, 1994 my b-day