Tuesday, July 29, 2008



Ako si Prince Anthony Sustea
Batang lumaki ng walang ama
At dahil siya'y hindi nakilala
Ainahangad kong siya ay makita

Akoy nag mula sa ICNHS
Ngunit lumipat sa ICEHS
May kaklase akong nakakainis,
siya'y tamang tamang ihagis

May mga guro akong magaganda
May mabait at gwapo pa
Minsan sila'y nakakairita,
Minsan sila'y nakakatawa

Marami akong kaibigan
Mga kaibigang maasahan
Parati silang malalapitan
Sa oras ng pangangailangan
teecee♥
keep in touch
!@#$%^&*
♦•◘○♥pRiNcE♥○◘•♦

Sunday, July 27, 2008

Ang Pangalan kong bulaklak
By:Adelfa Demecillo
O delfa,bulaklak na lubhang marikit
Sa munting hardin namin ay siyang pang-akit,
Ang kulay at samyo ay ano't kaytamis
Magandang diwata ang kanyang kawangis
Akin ngang bulaklak kung aking turingan
Ako ang nag punla nang buto pa lamang,
Siyang nag-aruga nang munting halaman
Hanggang magkabuko sa kasariwaan
Ngayon munting buko'y isa nang bulaklak
Na mga talutot may hamog na perlas,
Ang mga bubuyog ay siya ang hanap,
Pinagmimithian ang mga kulisap.
Ang aking bulaklak sa kasariwaan
Ay masasabi kong marilag na tunay,
H'wag sanang sumapit ang kapanahuanang
Ito ay malanta,malagas ang tangkay.
Ako'y isang bulaklak na may pangarap
Ang tulad kung bulaklak ay may kislap.
Ako'y simpleng bulaklak na mapagmahal
na anak at bulaklak na mag-aaral
Maraming pagkain na gustong matikaman
Ang tiyan kung ito ay maraming laman
Sa buhay kung ito ay napakahirap
Pero nakadanas din ng sarap
Nang mawalay sa kanyang mga magulang
maraming hirap ang aking kinailangan
Nang ako'y pinag-simulang mag-aral
masikap,masipag,marunonh,marangal.
Adelfa M. Demecillo
III-Masunurin
14 years of age
april 10, 1994 my b-day

Tuesday, July 22, 2008

AKO'Y BATANG MASIGLA

ni:Gea May Pacturanan
ako ay isang batang masigla
dapat ninyong tularan talaga
tatanggapin ang kasalanan niya
kahit merong mang pagkakamali s'ya
ang malapit na tao sa kanya
ang taong ito ay mahalaga
kahit may problema ay nan d'yan s'ya
dahil mahal n'ya pala ang taong ito
kinikilig s'ya kapag nakita
n'ya o makausap ang mapisa
malungkot s'ya dahil may iba na
kakayanin n'ya ito dahil bata pa
ak'y isang batang hangang-hanga
sa isang laro ng aking ama
ito'y "drag race" kung tawagin
mapanangib man matutuwa ka
mahirap ang buhay natin diba?
kaming tatlo sa aming pamilya
may trabaho lang ay aking ama
maliit lang kami ay masaya naman
hindi lahat ay batang masigla
pagmamahal, pagsubok ay siya
dahil itong masigla na bata
ay maramaming pagpapahalaga
"SINO NGA BA AKO"
by:^Irine Bacor
^

sino nga ba ako?
kilala ba ninyo ako?
mabait ba ako?
malalaman ninyo ito?

Ako si Irine batang masunurin
minsan ay batang-asal at mahinhin,
tutulungan ko ang nangangailangan
para sa ikakabuti ng aking kaluoban.

Ang ating ina ay inalagaan
at hindi natin ito pinababayaan,
sila ang nagbibigay ng kasiyahan
sa lahat ng ating pangangailangan.

Ako'y bata't na palakaibigan
marami pang ibang kaugalian,
maasahan sa lahat ng gawain
lahat ng iuutos aking gagawin.

Ang aking buhok ay napakakulot
kapag ako'y tumawa mata ko'y pikot,
ako'y parating kumakain ng gulay
para maging makulay ang aking buhay.

Nang ako ay nagsimula ng mag-aral
masipag,masikap,masunurin,at marangal,
ako'y maraming mga pangarap sa buhay
at sana ako'y ngayo'y magtagumpay.

Ako ay may kaibigan
Tina Abigail ang pangalan,
batang matapat at matalino
siya ay masayahing bata at maganda.

Minsan ako ay may problema
ngunit sa likod ng aking ngiti lamang
tulad ng pagseselos at kagalitan
hindi ko sinasabi sa aking kaibigan.

Ako'y batang masayahin
mahilig kumanta at sumayaw,
ako ngayon ay nasa ikatlong taon
inaatupag ko ang aking pag-aaral.

kapag ako ay sinasaktan nila
ngunit sa likod ng aking mga ngiti lamang,
pero hindi nila alam na ako ay nasasaktan
dahil hindi ko ipinapakita at ipinaparamdam.

Thursday, July 17, 2008

(Isa na sa pinaka-importanteng tao sa buhay ko ay ang aking matalik na kaibigan.
Ginawa ko ang tulang ito para sa aking buhay,
sa kanya at maging sa lahat ng magkakaibigan.)

"Ang Matalik kong kaibigan"
ni: Krisia Mae P. Pelosas

Isa sa aking mga ari-arian,
At 'di ko talaga s'ya kalilimutan,
Kahit san' man ang kanyang pinanggalingan,
Para ko na rin s'yang kapatid o pinsan.

Handang-handa ako na s'ya ay gabayan,
Maging sa panahon ng aming karimlan,
Basta't sa oras ng pangangailangan,
Kaming dalawa'y dapat magtutulungan.

Pag' s'ya'y kasama, labis ang katuwaan,
Na kahit ano, hindi kayang tumbasan,
pagkakaibiga'y aming ginampanan,
Maging ilang mga bagyo ang dadaan.

Kung dumating ang aming pag-aalitan,
Mawawala na siguro ng tuluyan,
Mga minutong aming pagbibiruan,
At 'di ko talaga s'ya kayang palitan.

Sa araw ng aking mga kalungkutan,
Iniisip n'ya pati ang kapakanan,
Kaniya ako'y pinaalalahanan,
Kaya ay maganda ang kinalabasan.

Kahit s'ya man ay isang pangkaraniwan,
S'ya talaga'y mapagkakatiwalaan,
At mas tumitibay ang aming samahan,
Dahil lang sa mabait kong kaibigan.

Ang Matalik kong kaibigan

Ako at ang aking kaibigan

Ako at ang aking kaibigan
ni:Reysheil Apales
Ako'y may kaibigan
Krisia Mae ang pangalan
Siya ay masunurin
Pero siya'y iyakin
Ako naman si Reysheil
Tawag sa akin ay sheil
Labing apat na gulang
Masaya at magalang
Ako ay may alaga
Isang aso at pusa
Ang aso ay si saysa
Ang pusa ay si gaga
Masarap na pagkain
Ang aking kinakain
Pag walang iinumin
Ako ay 'di kakain
Paboritong ulamin
Masarap na chicken joy
Pag may kasamang kanin
Ako ay nag e-enjoy
Ipatayo kong bahay
Ay simple at makulay
Para magandang tingnan
At maraming laruan
Paboritong bulaklak
Madaling mamulaklak
Dahil magandang tingnan
At masarap hawakan

ako at ang aking kaibigan

Monday, July 7, 2008

sino ako

SINO AKO

1. Bumuo ng sariling tula hango sa sariling buhay.
2. Ang tula ay may anim o higit pang saknong.
3. May 4 na taludtod sa bawat saknong.
4. Malayang taludturan o walang sukat at tugma.
5. I-post sa blogspot na ito ang tula hanggang July 18, 2008.