Sunday, July 27, 2008

Ang Pangalan kong bulaklak
By:Adelfa Demecillo
O delfa,bulaklak na lubhang marikit
Sa munting hardin namin ay siyang pang-akit,
Ang kulay at samyo ay ano't kaytamis
Magandang diwata ang kanyang kawangis
Akin ngang bulaklak kung aking turingan
Ako ang nag punla nang buto pa lamang,
Siyang nag-aruga nang munting halaman
Hanggang magkabuko sa kasariwaan
Ngayon munting buko'y isa nang bulaklak
Na mga talutot may hamog na perlas,
Ang mga bubuyog ay siya ang hanap,
Pinagmimithian ang mga kulisap.
Ang aking bulaklak sa kasariwaan
Ay masasabi kong marilag na tunay,
H'wag sanang sumapit ang kapanahuanang
Ito ay malanta,malagas ang tangkay.
Ako'y isang bulaklak na may pangarap
Ang tulad kung bulaklak ay may kislap.
Ako'y simpleng bulaklak na mapagmahal
na anak at bulaklak na mag-aaral
Maraming pagkain na gustong matikaman
Ang tiyan kung ito ay maraming laman
Sa buhay kung ito ay napakahirap
Pero nakadanas din ng sarap
Nang mawalay sa kanyang mga magulang
maraming hirap ang aking kinailangan
Nang ako'y pinag-simulang mag-aral
masikap,masipag,marunonh,marangal.

No comments: