Thursday, July 17, 2008

(Isa na sa pinaka-importanteng tao sa buhay ko ay ang aking matalik na kaibigan.
Ginawa ko ang tulang ito para sa aking buhay,
sa kanya at maging sa lahat ng magkakaibigan.)

"Ang Matalik kong kaibigan"
ni: Krisia Mae P. Pelosas

Isa sa aking mga ari-arian,
At 'di ko talaga s'ya kalilimutan,
Kahit san' man ang kanyang pinanggalingan,
Para ko na rin s'yang kapatid o pinsan.

Handang-handa ako na s'ya ay gabayan,
Maging sa panahon ng aming karimlan,
Basta't sa oras ng pangangailangan,
Kaming dalawa'y dapat magtutulungan.

Pag' s'ya'y kasama, labis ang katuwaan,
Na kahit ano, hindi kayang tumbasan,
pagkakaibiga'y aming ginampanan,
Maging ilang mga bagyo ang dadaan.

Kung dumating ang aming pag-aalitan,
Mawawala na siguro ng tuluyan,
Mga minutong aming pagbibiruan,
At 'di ko talaga s'ya kayang palitan.

Sa araw ng aking mga kalungkutan,
Iniisip n'ya pati ang kapakanan,
Kaniya ako'y pinaalalahanan,
Kaya ay maganda ang kinalabasan.

Kahit s'ya man ay isang pangkaraniwan,
S'ya talaga'y mapagkakatiwalaan,
At mas tumitibay ang aming samahan,
Dahil lang sa mabait kong kaibigan.

No comments: