Tuesday, July 22, 2008

"SINO NGA BA AKO"
by:^Irine Bacor
^

sino nga ba ako?
kilala ba ninyo ako?
mabait ba ako?
malalaman ninyo ito?

Ako si Irine batang masunurin
minsan ay batang-asal at mahinhin,
tutulungan ko ang nangangailangan
para sa ikakabuti ng aking kaluoban.

Ang ating ina ay inalagaan
at hindi natin ito pinababayaan,
sila ang nagbibigay ng kasiyahan
sa lahat ng ating pangangailangan.

Ako'y bata't na palakaibigan
marami pang ibang kaugalian,
maasahan sa lahat ng gawain
lahat ng iuutos aking gagawin.

Ang aking buhok ay napakakulot
kapag ako'y tumawa mata ko'y pikot,
ako'y parating kumakain ng gulay
para maging makulay ang aking buhay.

Nang ako ay nagsimula ng mag-aral
masipag,masikap,masunurin,at marangal,
ako'y maraming mga pangarap sa buhay
at sana ako'y ngayo'y magtagumpay.

Ako ay may kaibigan
Tina Abigail ang pangalan,
batang matapat at matalino
siya ay masayahing bata at maganda.

Minsan ako ay may problema
ngunit sa likod ng aking ngiti lamang
tulad ng pagseselos at kagalitan
hindi ko sinasabi sa aking kaibigan.

Ako'y batang masayahin
mahilig kumanta at sumayaw,
ako ngayon ay nasa ikatlong taon
inaatupag ko ang aking pag-aaral.

kapag ako ay sinasaktan nila
ngunit sa likod ng aking mga ngiti lamang,
pero hindi nila alam na ako ay nasasaktan
dahil hindi ko ipinapakita at ipinaparamdam.

No comments: