Monday, July 7, 2008

SINO AKO

1. Bumuo ng sariling tula hango sa sariling buhay.
2. Ang tula ay may anim o higit pang saknong.
3. May 4 na taludtod sa bawat saknong.
4. Malayang taludturan o walang sukat at tugma.
5. I-post sa blogspot na ito ang tula hanggang July 18, 2008.

8 comments:

MENELEO said...
This comment has been removed by the author.
♥•prince•♥ said...
This comment has been removed by the author.
╚♥╖kRisiA☻mAe╚♥╖ said...
This comment has been removed by the author.
╚♥╖kRisiA☻mAe╚♥╖ said...

Isa na sa pinaka-importanteng tao sa buhay ko ay ang aking matalik na kaibigan. Ginawa ko ang tulang ito para sa aking buhay, sa kanya at maging sa lahat ng magkakaibigan.

"Ang Matalik kong kaibigan"
ni: Krisia Mae P. Pelosas

Isa sa aking mga ari-arian,
At 'di ko talaga s'ya kalilimutan,
Kahit san' man ang kanyang pinanggalingan,
Para ko na rin s'yang kapatid o pinsan.

Handang-handa ako na s'ya ay gabayan,
Maging sa panahon ng aming karimlan,
Basta't sa oras ng pangangailangan,
Kaming dalawa'y dapat magtutulungan.

Pag' s'ya'y kasama, labis ang katuwaan,
Na kahit ano, hindi kayang tumbasan,
pagkakaibiga'y aming ginampanan,
Maging ilang mga bagyo ang dadaan.

Kung dumating ang aming pag-aalitan,
Mawawala na siguro ng tuluyan,
Mga minutong aming pagbibiruan,
At 'di ko talaga s'ya kayang palitan.

Sa araw ng aking mga kalungkutan,
Iniisip n'ya pati ang kapakanan,
Kaniya ako'y pinaalalahanan,
Kaya ay maganda ang kinalabasan.

Kahit s'ya man ay isang pangkaraniwan,
S'ya talaga'y mapagkakatiwalaan,
At mas tumitibay ang aming samahan,
Dahil lang sa mabait kong kaibigan.

MENELEO said...
This comment has been removed by the author.
▀RåLpH J○rnales▀ said...

Sino Ako?
ni: Ralph Mark S. Jornales

Ako'y inyong harapin,
At makinig sa akin,
Aking pagpakilala,
Ay inyong tangkilikin.

Mula pagkabata ay,
Aking nakasanayan,
Maging kanais-nais,
At tapat sa'ting bayan.

Ako nga pala si Ralph,
Mabait at masaya,
Ako ay nakatira,
Sa bahayan nga pala.

Magandang halimbawa,
Ay aking ginagawa,
Upang maging masaya,
Ang diyos po natin nawa.

Hilig ko ay maglaro,
ng internet games pa po,
Ngunit sa pag-aaral,
Hindi natitigalgal.

Ngayon ay nakilala,
Sarili ko sa inyo,
Maging daan po sana,
Upang kaibiganin niyo.

nassermauyag said...

"Ang Aking Kabataan"
NI:Nasser Mauyag

Ako'y kabatang lumaking
masigala
Malayo sa saki't mapagmahal
na kuya
Dahil sa lola na mapag-aruga
At salamat sa nag-aruga na
nagpalaya.

Ako'y kabataan na dangal ng
magulang
At sa pag-aalaga ako'y di
nagkulang
Ako'y kabataang gumagalang
sa kapwa
Dahil akoy nagmamano sa mas
matanda

Akoy kabataang ipinagmama-
laki
Ang ugalit asal na kapuri-
puri
Akoy kabataang tapat at
maginoo
May loob sa diyos at sa
kapwa tao

Akoy kabataan na mayroong
silbi
Dahil akoy may ambag sa
bayang sarili
ako ay kabataan na isang
pilipino
At may dugong galing sa
malayo

Akoy kabataang may pangarap
sa buhay
magkaroon ng trabaho para
mabuhay
kabataan akong gustong mata
pos mag-aral
Dahil ito ay palagi kong
dinarasal

Akoy kabataang may maraming
ambisyon
na ang aking magulang aking
maiahon
para sila ay mabigyan ko ng
kabuhayan
Dahil pag-asa ako ng aming
tahanan

Arvid said...

Aking Katauhan

Noong ako ay isang bata pa
Mhilig sa laroang pambata
Kahit ito'y hahadlangan mo pa
Lahat gagawin para makuha

Noong ako ay may kasalanan
Dahil sa nagawang kamalian
At agad ko man nasulusyunan
Ito'y tatak sa aking isipan

At ako ay pinapagalitan
Dahil sa isa kong kaibigan
Na siyang mararaming dahilan
Na ako ay pinapagalitan

Masama man ang tingin sa akin
Mabut'y ang aking saloobin
Ako ang taong hindi sumuko
Ng proglemang dumating sa buhay

Dahil ako'y isang kabataan
Mat'yga ako sa ating ba
Ilalaan 'to para sa bayan

At ako ay isang kabataan
Isa kong tunay na kaibigan
At Arvid ang tunay kong pangalan
Handa ako sa ano mang laban