Thursday, July 17, 2008

Ako at ang aking kaibigan

Ako at ang aking kaibigan
ni:Reysheil Apales
Ako'y may kaibigan
Krisia Mae ang pangalan
Siya ay masunurin
Pero siya'y iyakin
Ako naman si Reysheil
Tawag sa akin ay sheil
Labing apat na gulang
Masaya at magalang
Ako ay may alaga
Isang aso at pusa
Ang aso ay si saysa
Ang pusa ay si gaga
Masarap na pagkain
Ang aking kinakain
Pag walang iinumin
Ako ay 'di kakain
Paboritong ulamin
Masarap na chicken joy
Pag may kasamang kanin
Ako ay nag e-enjoy
Ipatayo kong bahay
Ay simple at makulay
Para magandang tingnan
At maraming laruan
Paboritong bulaklak
Madaling mamulaklak
Dahil magandang tingnan
At masarap hawakan

No comments: